Nagsimula na ang epekto ng El Niño sa lungsod ng Cagayan de Oro—ito ang pahayag ni Acting Department Manager at OIC City Agriculturist Bernie A. Daba Jr. sa gitna ng mga naitalang pinsala sa mga pananim sa mga hinterland barangay.

Dahil sa banta, pinabilis na ni Mayor Rolando “Klarex” Uy ang pag-apruba ng pondo para sa mga agricultural inputs upang matulungan ang mga magsasaka at mangingisda.

Ipinaliwanag ng opisyal na nakapagbigay na ng paunang tulong ang pamahalaang lungsod upang hindi tuluyang masira at mahirapan ang kabuhayan ng mga sektor na apektado.


Dagdag pa ni Daba, patuloy ang mahigpit na monitoring at paghahanda ng lokal na pamahalaan upang matiyak na hindi mauwi sa krisis sa pagkain ang epekto ng El Niño sa lungsod.