Malinaw at direktang nararamdaman na ang epekto ng matinding init ng panahon sa loob mismo ng mga selda ng Cagayan de Oro City Jail Female Dormitory.
Nilinaw ni BJMP Warden Mary Rose Paçana na kinakailangang i-update na ang kanilang operational plan at maglaang ng karagdagang water tanks para sa konserbasyon ng tubig.
Dagdag pa ng opisyal, isinagawa ang mga naturang proactive measures upang maiwasan ang sinasabing domino effect sa kalusugan ng mga PDL at mga tauhan.
Dahil sa naturang sitwasyon, tiniyak ng tanggapan na nakahanda rin ang kanilang pakikipagtuwang sa Bureau of Fire Protection at mga lokal na stakeholders para sa karagdagang suplay ng tubig.











