CAGAYAN DE ORO CITY – Respeto aniya ang dahilan kung bakit hindi pa pinangalanan ng pulisya ang identity ng kanilang mga nahuli sa loob ng apat na bahay pamilyang Parojinog sa isang bahagi ng Brgy San Roque Lawis, Ozamiz City sa madaling araw nitong Linggo.

Sa eksklusibong interbyu ng Bombo Radyo kay Ozamiz City Police Station commander C/Insp Jovie Espenido, inihayag nitong aabot 14 katao ang kasalukuyang nasa kanilang holding area.

Nilinaw ni Espenido na nasa “evaluation process” pa ang mga otoridad kung kakasuhan ba ang lahat ng mga nahuli.

Batay naman sa pananaliksik ng Bombo Radyo CdeO News team, kabilang sa mga nahuli ay ang naturalized American citizen na si Kristoff Parojinog, 26 anyos na anak ng naka-eskapong wanted person na si City Councilor Ardot Parojinog.

Aabot pa lamang sa mahigi isang taon ang pamamalagi ni Kristoff sa Ozamiz City.

Maliban sa mag-asawang Parojinog at Misamis Occidental Board Member Octavio Parojinog Jr na nakilala na ang tatlo pang nasawi sa naganap na raid, sila ay kinabibilangan ng tatlong civilian volunteers na sila Miguel del Victoria, Nestor Cabalan at Daniel Vasquez.