CAGAYAN DE ORO CITY – Binuweltahan kaagad ni dating Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff at ngayon National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr na talagang mga terorista umano ang mga bumubuo sa Communisty Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA).
Kasagutan ito ni Esperon matapos nagbanta si CPP founder Jose Maria Sison na hindi babalik sa pormal na peacetalks negotiation kapag hindi maalis ang bansag sa kanila ni Pangulong Rodrigo Duterte na mga terorista.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Esperon na hindi lamang Pilipinas subalit maging ang Amerika at ibang mga bansa sa Uropa ay kumilala sa grupo ni Sison na mga terorista.
Inihayag ni Esperon na hindi kailanman maaring magdedekta ang grupo ni Sison dahil kalaban ang mga ito sa gobyerno.
Iginiit ng opisyal na kaya gusto ng CPP-NPA na matigil ang ‘whole of the nation approach’ na nakasaad sa inilabas ni Duterte na executive order no. 70 dahil epektibo ito at nagpahina ng tuluyan sa kilusang armado sa mga kanayunan.
Kung maalala,tumanggi na rin si Sison na makipagkita kay Duterte mismo sa Pilipinas dahil ayaw nito mapasok sa bitag ng militar na magdulot umano ng peligro sa kanyang sariling seguridad.