CAGAYAN DE ORO CITY – Umuwi na walang dala na kahit isang baril o anumang ebedensiya ang police raiding team mula sa bahay ng negosyate at dating presidente ng oldest press club organization ng bansa na si Ritchie Salloman sa Barangay Bayabas,Cagayan de Oro City.

Photos are all from Bombo Radyo CdeO ownership

Ito ay matapos isinilbi ng pulisya ang search warrant mula korte upang kompiskahin ang hawak na mga baril ni Salloman na kinabilangan ng AK-47; M-4 rifles maging shotgun at calibre 45 sa mismong bahay nito kaninang umaga.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Salloman na totoo na pagmay-ari nito ang mga baril subalit 2011 pa tuluyang nawala sa kanya ang lahat ng ito dahil kabilang sa natangay ng tubig-baha dala ng bagyong Sendong na humagupit sa lungsod.

Inihayag nito na wala siyang kuwestiyon sa operasyon ng pulisya sapagkat ginawa lamang nila ang kanilang trabaho.

Subalit ina-akusa at naniniwala ito na politika ang motibo kung sinuman ang nasa likod nang pag-raid lalo pa’t tatakbo umano siya bilang punong barangay sa kanilang lugar.

Tanging airsoft at holster ng caliber 45 pistol na lamang nito ang naka-rekober ng pulisya matapos ang paghalughog sa buong bahay.

Si ex-COPC President Ritchie Salloman

Aminado naman ang marami sa mga aktibo at retiradong media practitioners na hindi sangkot ng anumang ilegal na gawain si Salloman na isa ring contractor at dating presidente at kasalukuyang miyembro ng Cagayan de Oro Press Club.