MAKATI CITY- Kinumpirma ni Cecile Joaquin-Yasay ang pagpanaw ng kaniyang asawa at dating Foreign Affairs Sec. Perfecto Yasay Jr.

Binawian ito ng buhay kaninang alas-7:26 ng umaga, dahil sa kaniyang karamdaman.

Pumanaw umano ang dating kalihim sa edad na 73.

Nanungkulan siya bilang secretary nf DFA mula Hunyo 30, 2016 hanggang Marso 8, 2017.

Hindi naman naaprubahan ang kaniyang appointment nang dumaan ito sa Commission on Appointments (CA) dahil sa kaniyang citizenship.

Namuno naman siya sa Securities and Exchange Commission (SEC) noong 1995 hanggang 2000. (Bombo Dennis Jamito).