CAGAYAN DE ORO CITY – Kasalukuyang naka-self quarantine ang dating alkalde ng Iligan City na former administrator din ng Philippine Veterans Investment Development Corporation (PHIVIDEC) Industrial Authority na nakabase sa Misamis Oriental na si National Commission of Senior Citizens chairman Atty Franklin Quijano sa Metro Manila.

Ito ay matapos kinompirma nito sa Bombo Radyo na nahawaan siya ng coronavirus disease kahit sa sobrang maingat ng kanyang mga galaw pauwi sa Iligan City at pabalik sa kanyang tanggapan sa Maynila.

Inihayag ni Quijano na kumbinsido ito na nakuha nito ang bayrus habang nasa Maynila ito dahil sa ilang mga tao na kanyang nakasalamuha.

Dagdag ng opisyal na personal na sasakyan na nga ang ginamit nito papunta sa Maynila para siguradong hindi mahawaan kung sumakay ng eroplano subalit natamaan pa rin ng bayrus.

Bagamat hindi naman nagpakita ng severe symptoms ang bayrus sa pangangatawan ni Quijano subalit agad na itong nag-self quarantine upang makahawa sa kanyang mga kasamahan sa trabaho.

Magugunitang nais pa naman sana umuwi sa Mindanao nitong linggo dahil namatay rin ang kanyang kapatid mula Cebu City kung saan kasalukuyang nakaburol sa kanilang pamamahay sa Iligan City dito sa Norther Mindanao.

Si National Commission of Senior Citizens chairman Atty Franklin Quijano

Una rito,nag-courtesy call pa si Quijano kay Manila City Mayor Isko Moreno ilang araw matapos siya itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte sa bagong katungkulan bilang national chairman ng NCSC ng bansa.