CAGAYAN DE ORO CITY – Inaaresto batay utos ng korte mula Pagadian City ang dating official ng CPP-NPA habang nasa kanyang bahay sa Barangay Sagundanon,Kitaotao,Bukidnon.

Photo from AFP Western Mindanao Command

Ito ay matapos natunton ng militar at pulisya ang lokasyon ng former CPP-NPA Western Mindanao Party Committee intelligence officer at secretary general ng Front Committee Kara na si Marcos Requina alyas Tomas,60 anyos na residente sa lugar.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni 403d IB,Philippine Army commander Brig Gen Ferdinand Barandon na inaresto ng AFP Eastern Mindanao Command personnel si Requina dahil sa kasong murder na pending sa Regional Trial Court Branch 38 ng Pagadian City.

Inihayag ni Barandon na si Requina ay pang 23 na most wanted rebel na ipinag-utos ng Deparment of National Defense at DILG na arestuhin na may katumbas na pabuya.

Ang nabanggit na dating pinuno ng CPP-NPA sa ilang bahagi ng Mindanao ay mayroong P2 milyon na patong ng ulo kapalit ng kanyang pagka-aresto.

Si 403d IB,Philippine Army commander Brig Gen Ferdinand Barandon

Natuklasan na taong 2015 pa inactive ang suspek subalit huli nito na pakikipag-ugnayan ay sa Platoon Medic ng Guerrilla Front 53 ng Southern Mindanao regional committee ng kilusan.