CAGAYAN DE ORO CITY – Bagsak sa kulungan ang dating two termer municipal mayor nang isinilbi ng PDEA-10 Misamis Oriental Team kasama ang Philippine National Police ang court search warrant dahil nasangkot umano ng direktang pagbebenta ng suspected shabu sa ilang mga residente ng Cagayan de Oro City.

Photos supplied

Kinilala ni PDEA -Misamis Oriental team agent Adolf de la Cerna ang suspek na si Abdul Manamparan alyas ‘Don’ na,nasa legal na edad na residente sa Block 86,Lot,89 ng Xavier Estates ng Barangay Lumbia ng lungsod.

Inihayag ni De la Cerna na nagsimula umano ang pagkasangkot ni Manamparan ng umano’y shabu selling noong natalo ito ng kanyang re-election bilang alkalde sa kanilang bayan sa Nunungan,Lanao del Norte.

Dagdag ng PDEA na nakompiska mula kuwarto ng suspek ang tinatayang 20 gramo suspected shabu na may estimated street value na P136,000.

Nakunan rin ng mga otoridad ng ilang carton ng mga bala at magazines ng caliber 40 ang suspek na nakalagay sa isang vault sa loob ng bahay nito.

Si PDEA -Misamis Oriental team agent Adolf de la Cerna

Sa panig naman ng suspek,tahasan na itinanggi nito na nasangkot ito ng drug selling sa kanyang mga kakilala na nakabase nitong lungsod.