CAGAYAN DE ORO CITY – Lalo pang lalakas ang turismo,dadami ang mga negosyo at lalago ang ekonomiya sa tuluyang pagbukas ng expanded port ng Misamis Oriental na nakabase sa bayan ng Balingoan.
Ganito ang pagsalarawan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na pinasayaan ang Balingoan port na isa sa mga daungan nakabase sa lalawigan patungo sa magandang isla ng Camiguin dito sa Northern Mindanao.
Sinabi ni Marcos na dahil sa isinulong ng administrasyon na ‘build better more’ projects ay gaganda umano ang buhay ng taga-Mindanao partikular sa rehiyon.
Magugunitang mula sa pagsinaya ng daungan ay agad tinungo ng pangulo ang back-to-back launching naman ng Rice Processing System II at Intergrated Coconut Processing Facility projects sa bahagi naman ng Balingasag.
Inihayag ni Marcos dahil sa nabanggit na mga pasilidad, mas lalakas ang tinawag na ‘productivity and effeciency’ ng mga magsasaka dahil mabawasan ang mga pagkalugi.
Binigyaan diin rin ng pangulo na dahil sa P350-M worth coconut processing facility na imamando ng First Community Cooperative (FICCO) ay magsilbi umano itong mangunguna sa pagpagalaw ng ekonomiya sa pamamagitan ng matibay na livelihood at economic sustainability
Magugunitang mula Misamis Oriental ay tinipon ni Marcos ang mga bumubuo sa Regional Development Council 10 at pagkatapos ay namigay ng halos 100 transport medical vehicles sa maraming local govt units sa rehiyon na ginawa sa Don Gregorio Pelaez Sports Center ng Cagayan de Oro City bago lumipad pabalik Maynila.