CAGAYAN DE ORO CITY – Hinikayat ngayon ni House Committee on Constitutional Ammendments chairman at Cagayan de Oro 2nd District Rep Rufus Rodriguez si President Rodrigo Duterte na tuluyan nang sisibakin sa katungkulan si Bureau of Corrections (BuCor) chief Nicanor Faeldon.
Ito ay kaugnay sa kontrobersya na kinasangkutan na naman ni Faeldon kaugnay sa pagpapatupad ng Good Conduct and Time Allowance o GCTA na nagresulta ng maraming convicted criminals na naipalabas mula sa New Bilibid Prison o NBP.
Sinabi ni Rodriguez sa Bombo Radyo na hindi katanggap-tanggap ang akusasyon na kinaharap ni Faeldon na kabilang sa binigyang kalaayan ang apat na drug convict na Chinese nationals.
Magugunitang nakasaad Republic Act 10592 na pinagsabihan ng GCTA na hindi kasali ang convicted criminals na nakagawa ng henious crimes ang mapalaya subalit salungat ito sa pinaggagawa ng BuCor officials simula taong 2013.