(Update) CAGAYAN DE ORO CITY – Umaasa ang pamilyang Lariba na magiging mabilis ang paggaling ni Olympian Ian ‘Yan-Yan’ Lariba sa St. Lukes Global City sa lungsod ng Taguig.
Ito ay matapos magpasalamat ang pamilya Lariba kaugnay sa matagumpay na bone marrow transplant procedure ni Ian noong nakaraang linggo.
Sinabi sa Bombo Radyo ni Mel Lariba na sana ipagpatuloy pa ng publiko, lalo sa mga nagmamahal kay Ian, ang pagdarasal.
Ito ay dahil mananatili pa ang Olympian sa loob ng isang buwan sa pagamutan upang makaiwas sa anumang impeksyon.
Ikinatuwa rin ng pamilya ang tagumpay na stem cell harvest o bone marrow transplant na ginawa ng mga doktor kay Lariba upang mailipat ang dugo nito para sa kanyang kapatid ng Sabado ng hapon.
Kaugnay nito, naghayag din mismo ng pasasalamat si Ian para sa kanyang nakababatang kapatid at buong pamilya na laging nasa kanyang tabi.
Ayon sa Facebook post ni Lariba, sinabi nito na: “So proud of my brave lil sis for willingly donating her stem cells to me (kasi wala siyang choice hihi jk lang! 😅) From blood type O+ to officially blood type A+ soon. Thanks a lot @yenyenlariba_ ! I owe you my new life! 🤗😙 Thank you Lord! #YANsiYEN #DonorkoYAN #siskoYAN #meetSupersaiYEN #ProudofyouYEN #BoneMarrowTransplantDone.”
“My strongest support, my fam! ❤ They can only do “smeyes” tho,” bahagi pa ng post ni Lariba mula sa kanyang Facebook account.