CAGAYAN DE ORO CITY – Pormal nang nakapagpiyansa ang kampo ni Filipino-Chinese businessman Jay Tan matapos masampahan ng kasong illegal possession of ammunition.
Base sa report, nakapaglagak ng P200,000 bail ang abogado ng suspek matapos makuha sa kanyang pagmamay-aring bodega ang mga saku-sakong basyo at mga buhay na bala.
Una rito inihayag ni City Intelligence Unit head, Chief Inspector Ariel Philip Pontillas na kabilang sa kanilang narekober sa posisyon ng suspek ang mga live ammunitions ng high-powered firearms gaya ng 13 rounds ng 7.62mm bullets; 23 rounds ng 5.56mm live ammo; 15 rounds ng caliber .50 ammo; limang short magazine ng M16; isang long magazine ng M16; dalawang sako ng empty shells ng caliber .50 at 129 piraso ng empty shells ng 40mm.
Nasa sampung taon ng pinapatakbo ni Tan ang kanyang junkshop.
Unang iginiit ni Tan na niloko siya sa kanyang mga ka sosyo sa mga negosyo dahil hindi niya alam ang pagpuslit ng mga saku-sakung bala sa kanyang bodega.