CAGAYAN DE ORO CITY – Kinumpirma ni Ozamis City Police Director Jovie Espenido ang pagkamatay ng tatlong suspect na miyembro ng kilabot na roberry group na umanoy pinatatakbo ng Pamilyang Parojinog sa Ozamis City.
Sa naganap na press conference sa Ozamis City PNP headquarters, inihayag ni Espenido nga siya mismo ang namuno sa pagtugis sa mga suspect na nakilalang sina Jake Delos Santos , isang alyas Boyaks at alyas Coco.
Inamin ni Espinedo na lumaban ang kanyang tropa matapos ang pamamaril ng mga suspect sa mga operatiba.
Base naman sa kanilang isinagawang imbestigasyon, ang grupo ni Delos Santos kilalang tauhan sa pamilyang Parojinog kung saan aabot ang kanilang panghoholdap sa area ng Misamis Oriental, Cagayan de Oro, Misamis Occidental at maging sa Iligan City.