CAGAYAN DE ORO CITY – Kinumpirma ng Department of Health o DoH-10 ang report na tumaas ang kaso ng dengue sa Northern Mindanao.

Sinabi ni DoH-10 assistant regional director Dr. David Mendoza na mula sa dalawamput dalawa sa Enero, umabot na sa 44 ang bilang ng namatay base sa kanilang data noong Hunyo 29.

Sa kabila nito, iginiit ni Dr Mendoza na maliit parin ang nasabing bilang kung ikukumpara sa Enero hanggang Hunyo 2018 na data kung saan nasa mahigit 50 ang namatay sa dengue.

Umabot na rin sa 11,220 ang bilang ng mga nadapuan ng nakamamatay na sakit.

Sa ngayon aktibong bumibisita ang DOH personnel sa ibat ibang paaralan ng rehiyon upang ikampanya ang 4S laban sa dengue.