CAGAYAN DE ORO CITY – Inaalam pa ng Valencia City Police Station ang motibo sa pag-ambush kay Atty. Nicolas Gomez, tubong Davao City, isang balikbayan mula Estadus Unidos, at pansamantalang nakatira ang biktima sa bahagi ng Phase -3 Poblaccion Valencia City.

Base sa inisyal na imbestigasyon ni Police Lt. Col Surki Serenias, binaril ang biktima ng dalawang hindi pa nakikilalang mga lalaking nakamotor gamit ang itim na XRM Honda 125 at walang plaka.

Dadalo sana sa isang hearing sa Malaybalay Regional Trial Court si Atty Gomez, kaninang umaga.

Dalawang anggulo ang sinisilip ng mga imbestigador kung saan posibleng land conflict at pag-aaway ng nga tenants ang dahilan ng kanyang pagkapaslang

Patuloy na nangangalap ng impormasyon ang PNP sa nasabing insidente.