CAGAYAN DE ORO CITY – Kinumpirma ni Police Capt. Rorry Tabuclin, hepe ng Languindingan Police Station, Misamis Oriental na kasama ang kanilang team sa paghuli ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-9 sa isang beteranong journalist sa paliparan ng Laguindingan, araw ng Lingo.

Binanggit nito na dimapot ng mga operatiba si Margarita Valle na residente ng Davao City isinilbi ang kanyang warrant of arrest dahil sa kasong arson at apat na counts ng kasong pagpatay.

Subalit nang makarating sa opisina ng CIDG-9 ang suspek, inamin ni Colonel Tom Tuzon, director ng CIDG ng Zamboanga na isang kaso ng mistaken identity ang naganap kung kaya’t pinalaya nila si Valle, kagabi.

Naging malaking tulong sa pagpapatibay ng totoong identidad ni Valle ang kanyang mga kasamahan ng Rural Missionaries of the Philippines at ng mga abogado mula Commission on Human Rights (CHR).

Pinabulaanan ng kampo ng 61-anyos na veteran writer na siya si Tina Maglaya o Fidelina Margarita Valle, na siyang pinaghahanap ngayon ng operatiba dahil isa ito sa mga uspected member communist party of the Philippines o CPP-NPA NDFP.

Si Malakanyang Spokesperson Atty Salvador Panelo