CAGAYAN DE ORO CITY – Umabot pa sa 24 ang bilang ng mga construction firms ang umanoy na-scam ng isang binansagang Estafa Queen na si Erma Mindadigman Taule, mula La Union. Dumulog sa himpilan ng Bombo Radyo Cagayan de Oro ang isang Ate Kristine matapos natangay ng grupo ni Taule ang aabot sa 13, 445,000 dahil sa semento scam. Sinabi ng reklamante na naghabla na sila ng kasong large scale estafa laban sa kompanyang Ramp-I Gerenal Constructions na siyang pinapatakbo ni Taule, at Global Green Energy Ventures na pinapatakbo naman ng kanyang mister na si Bradley Miles Taule, isang dayuhan mula Malaysia, na may kasong illegal recruitment at human trafficking sa nasabing bansa. Iginiit ni Kristine na paulit ulit nilang pina-entrap at pinahuli ang estafa queen subalit nakakalabas rin ng piitan dahil may mga kasabwat umano itong mga pulis mula NBI at CDIG. Napag-alaman ng kampo ng reklamante na isang Fatima Manaloto ang nag-aayos ng mga kaso ni Taule. Aniya si Manaloto umano ang may malakas na kapit sa mga otoridad kung kayat nagpapatuloy ang kanilang operasyon at panloloko ng mga construction firms na bibili sa kanila ng mga construction material kagaya ng semento, deisel at bakal sa pinakamurang halaga. Sinabi rin ni Ate Kris na hindi lang sa Pilipinas ang scope ng panloloko ng mag-asawang Taule subalit pati na abroad, kung saan, punterya nila ang mga construction firm na pinatatakbo ng mga pinoy business abroad. Iginiit ni Kristine na gusto nilang mahuli ang tauhan ni estafe queen na sina Melanin Balosong Pajarong, Joseph Morales, Marieta Marquez, Alan Vilamor, Hydie Viaco, Engr Joel Lacera at Fatima Manaloto. Una rito, gimanit ng naarestong estafa queen ang Build Build Build Program ni Administrasyong Duterte kung saan pinapaniwala nila ang kanilang kliyente na konektado sila ng pamahalaan.
FLASH : Estafa Queen, gipaubos na sa arraignment sa Iligan City
8
- Advertisement -
Latest News
Pamilya Galo, gusto masiluta’g kamatayon ang mipatay sa ilang anak
(Update) CAGAYAN DE ORO CITY - Gusto sa pamilyang Galo nga patyon usab ang mga suspek nga mihimo sa linu-og nga kamatayon sa ilang...