CAGAYAN DE ORO CITY – Nagviral na ang video ng apat na babaeng overseas Filipino workers mula Saudi Arabia na naglalaman ng kanilang panawagan kay Pangulong Rodrigo Duterte na huwag ipasara ang KAPA o Kabus Padatuon Ministry Inc.,

Ayon sa uploader ng video via facebook, na si Jhoe-anne Nhoria, nanggagalaiti ang kanilang galit kay Pastor Quiboloy na siyang sumira sa maayos na pamamalakad ng KAPA ministry.

Iginiit ng apat na malaki ang naitulong ng KAPA sa kanilang mga pamilya sa Pilipinas.

Pinasalamatan rin nila si KAPA founder Joel Apolinario dahil sa pamamagitan ng kanilang investment, naiahon sila sa lugmok na kahirapan.

Narito ang link ng nasabing video:

https://m.facebook.com/groups/595274837576590?view=permalink&id=686231041814302