CAGAYAN DE ORO CITY – Ipinapatupad ngayon ng local health officials at kapolisan ang ‘focused containment’ sa isang bahagi ng Barangay Carmen ng Cagayan de Oro City dahil panibagong kaso ng coronavirus disease.
Ito ay matapos nasawi ang 34 anyos na peanut butter at pulvoron maker dahil nadapuan ng bayrus na residente sa Dabatian Street na malapit lamang sa isang palekeng bayan nitong lungsod.
Inihayag ni City Mayor Oscar Moreno na ipinapatupad nila ang hakbang na ito upang malimitahan ang paglabas ng mga kaanak at kapitbahay ng biktima sa loob ng 14 na araw para maiwasan ang paglobo ng mga mag-positibo ng sakit.
Dagdag ni Moreno na nababala ito na mabilis magkahawaan ang mga residente sa lugar kaya nilimitahan muna ang mga galaw ng mga residente sa lugar.
Sa ngayon,nasa 10 na close contacts na kabilang ang pamilya ng biktima ang natunton ng city health officials at nakatakdang ipasok sa isolation unit facility ng lungsod.
Ito na ang pang-anim na fatalities ng coronavirus na naitala mula sa 15 na positibong kaso kung saan pang-apat na indibidwal na nagmula sa Carmen na pinakamalaking barangay sa buong syudad.
Una nang dead on arrival ang biktima ng huli nang isinugod sa Northern Mindanao Medical Center kung saan natuklasan na malubha na ang kalagayan nito dahil ilang linggo na pa lamang iniinda ang bayrus.