CAGAYAN DE ORO CITY – Pinasok ng tubig-baha mula sa mga ilog ang maraming kabahayan na sakop sa bayan ng Tubod,Lanao del Norte simula pa kagabi.

Ito ay matapos bumuhos ang walang tigil na pag-ulan epekto ng umano’y low pressure area (LPA) kung saan apektado ang mga bayan na sakop ng Lanao del Norte.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Tubod Vice Mayor Clifford Jumalon na partikular na apektado ang mga barangay ng Poblacion,Tangueguiroog at Pigcarangan kung saan mayroong ilang pamilya o indibidwal ang sapilitan na inilikas sa mas ligtas na mga lugar.

Inihayag ni bise-alkalde na nagtala rin nang landslide bagamat hindi naman nakaka-apekto sa maraming residente bagkus ay sa ilang motorsita lamang.

Sa ngayon,bahagyang humupa na ang umapaw na baha sa mga kabahayan subalit nangangamba ang pamahalaang lokal na maaring tataas muli ang tubig dahil tuloy-tuloy pa ang pagbuhis ng mga pag-ulan.

Si Tubod Vice Mayor Clifford Jumalon

Bagamat tiniyak ng opisyal na walang naitala na casualty mula sa mga residente at hindi rin nagdulot ng anumang pagka-danyos sa mga ari-arian ang nabanggit na mga pagbaha simula pa kagabi hanggang kaninang umaga.