“Huwag panghinaan ng loob dahil demokrasya ang ipinaglalaban!”

Ito ang naging reaksyon ni Ben Ranque, dating Energy Undersecretary at kasalukuyang founding convenor ng Masa Sara Duterte Alliance (MASADA), kaugnay sa pagbabago ng pamunuan ng Senado at sa imbestigasyon ng Blue Ribbon Committee sa ilalim ng Cayetano bloc.

Nilinaw ni Ranque na ang mga pangyayaring ito ay bahagi ng estratehiya ng mayorya sa Senado upang pigilan ang posibleng pagtakbo ni Bise Presidente Sara Duterte sa pagka-pangulo sa 2028.

Layunin umano nito ang pag-impeach kay Duterte upang maiwasan ang imbestigasyon sa mga isyu na kinasasangkutan ng 18 dating marino at ilang politiko