CAGAYAN DE ORO CITY- Tinawag ng hostage survivor na si Rev. Fr Chito Suganob na simbolo ng takot at kamatayan ang nangyari na tangka na pag-agaw ng Maute-ISIS terror group sa Marawi City,Lanao del Sur.
Ito ang dahilan na napag-desisyonan ni Suganob na hindi muna babalik sa Marawi City na napasakamay muli ng gobyerno nang ino-ukupa ng mga terorista ensakto magdalawang taon nitong araw.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Suganob na magsasagawa ito ng thanks giving mass sa kanyang hometown upang ipagdiriwang ang naging paglaya at kaligtasan nang ma-hostage ng mga terorista sa loob ng apat na buwan sa Marawi City.
Inamin ng pari na hindi pa ito tuluyang naka-rekober sa nangyari sa kanya habang hawak ng magkapatid na Omar at Abdullah Maute sa most affected area.
Sinabi ni Suganob na nanumbalik sa kanyang isipan ang mapait na karanasan habang araw at gabi sila na palipat-lipat para hindi mahulugan ng mga bomba mula sa military aerial offensives.
Pagbabalik-tanaw pa nito,mahirap na agad makalimutan ang takot at pangamba dahil apat na buwan itong nakaharap ang mga terorista.
Si Suganob kasama ang lima pa taga-simbahang Katolika nang madukot ay madalas nagtatago sa Bato Moske na nagsilbing headquarters ng mga terorista habang nakipagdigma sa tropa ng gobyerno simula Mayo 23 hanggang Oktubre 23,2017.