CAGAYAN DE ORO CITY-Lumubo pa sa 21 ang bilang ng mga heinous crime convicts na benipisyaryo ng Good Conduct Time Allowance o GCTA law ang sumuko sa mga otoridad sa rehiyon 10.
Ito ang kinompirma ni PNP region 10 Spokesman Col. Mardy Hortillosa sa panayam ng Bombo Radyo, isang araw bago matapos ang 15-days na palugit ni Pres. Rodrigo Duterte para sa kanilang pagsuko.
Ayon kay Col. Hortillosa, kinabibilangan ito ng 11 GCTA surrenderee mula sa Bukidnon, 4 sa Lanao del Norte, 2 sa Misamis Oriental, 2 sa Iligan City habang tig-iisa sa Camiguin at Misamis Occidental.
Natakot umano ang mga itong ideklarar na mga pugante kung kaya’t kusa silang sumurender.
Karamihan sa kanila ay nakonbikto sa kasong panghahalay, rape with robbery, robbery with homicide at arson.