Binatikos ng isang Bangsamoro lawyer ang nangyaring paraan ng muling pagpili sa mga opisyal ng BARMM Parliament dahil sa pinaghihinalaang mga anomalya.
Ipinaliwanag ni Atty. Badrodin “Bador” Mangindra, isang Bangsamoro lawyer, na lumabag sa Konstitusyon ang naturang halalan dahil sa desynchronized na pagpapatupad at sa malinaw na gerrymandering o ilegal na paghahati-hati sa mga distrito lalo na sa mga barangay sa Cotabato City.
Iginiit ng abogado na ginamit ng mga incumbent na lokal na politiko ang kanilang kapangyarihan at impluwensya upang diktahan ang resulta, habang hindi pa man natatapos ang mga importanteng batas tulad ng Bangsamoro Revenue Code.
Dahil sa naturang sitwasyon, nilinaw ng opisyal na maraming residente at observers ang nadismaya sa kinahinatnan ng BARMM governance.











