CAGAYAN DE ORO CITY – Kinasuhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG-10) ang nobya ng kilabot na pinuno ng notoyus Fajardo Criminal Gang na nasa likod ng malakihang pangho-holdap ng mga bangko at mga kasong pagpatay sa ilang probinsya sa Luzon at National Capital Region (NCR).
Ito ay matapos naihain ni CIDG regional director Police Col Reymund Ligudin ang mga kaso laban kay Richelle Manaig na unang natukoy nila na kasintahan ng kanilang napatay na si Marvin Fajardo alyas Patrick Go na taga-Batangas.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Ligudin na kasong paglabang ng illegal possession of firearms,harboring criminal at direct assault ang inihain nila kay Richelle,25 anyos at maging sa kanyang kapatid na si Irish,33 sa piskalya ng lungsod.
Inihayag ni Ligudin na bagamat hindi nakisali ang magkapatid na nakig-barilan sa tropa ng PNP at AFP nang isinilbi ang warrant of arrest laban kay Fajardo subalit dahil tinangka ng mga ito na tumakas ay sila ang kinasuhan.
Nataklusan na matagal nang magkakilala ang ina ng magkapatid at si Fajardo kaya sila ang nagbigay daa na makatago ng ilang buwan ito sa isang high-end subdivision mula sa mga otoridad na naglunsad ng malawakang operasyon.
Dagdag ni Ligudin na inaantay na lamang nila ang pag-resolba ng prosekusyon upang alamin kung alin sa mga isinampa na mga kaso ang pagtagumpay pagdating sa korte.
Si Fajardo kasama si Andrew Redondo at alyas Adrian ay kapwa namatay nang manlaban sa mga otoridad na nagtangka sana na arestuhins sila sa loob ng Block 12 ,Lot 25,Portico II,Grand Europa, Brgy Lumbia ng syudad.