Binatikos ni Anti-War Advocate Herman Tiu Laurel ang administrasyon sa pagbibigay-pinsala sa relasyon sa China sa pamamagitan ng pag-uugnay ng mga negosyo sa naturang bansa patungo sa pamilyang Duterte upang pagtakpan ang krisis sa ekonomiya.
Nilinaw ng advocate na hindi lamang ang pamilyang Duterte ang may kaugnayan sa naturang bansa dahil maraming malalaking negosyante at ordinaryong Pilipino ang bumibili sa mga online shopping platform na nagmula sa China.
Iginiit ng lider na ginamit ng gobyerno ang mga naturang akusasyon upang ilayo ang pansin sa totoong problema tulad ng lumalaking utang, kakulangan sa pondo sa tubig, at kabiguan sa pagbibigay ng solusyon sa mamamayan.
Dahil dito, nanawagan ang advocate ng isang malaking pagbabago sa pamamahala upang mabigyan ng tamang aksyon ang pangangailangan ng buong bansa.











