Malaki ang posibilidad na ideklara ng Korte Suprema na nakagawa ng grave abuse of discretion ang Senate Impeachment Court dahil sa pagbabago sa voting requirement sa kasong impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Ibinunyag ng legal analyst na si Atty. Pat Trimor na nakikita ang malaking peligro kung papaboran ang “actual voting” imbes na ang kabuuang miyembro ng Senado, dahil pwede itong gamitin ng nakapuwesto sa kapangyarihan laban sa oposisyon.

Ipinaliwanag ng abogado na sa ilalim ng judicial power ng Korte Suprema, may karapatan itong repasuhin at pigilan ang anumang tanggapan ng gobyerno na magmalabis sa kapangyarihan.

Dahil dito, nilinaw ng abogado na pwedeng maibalik sa orihinal na 16 na boto ang kinakailangang threshold imbes na 14 na boto.