CAGAYAN DE ORO CITY-Nakatakdang magsasagawa ng pagtitipon ang mga miyembro ng Motorcyle Riders sa buong bansa upang pag-usapan ang kanilang gagawing hakbang para payagan na magbackride sa motorsiklo ang miyembro ng pamilya.
Itoy matapos iniutos ni Pres Rodrigo Duterte at DILG Secretary Eduardo Año ang pagbabawal ng mga backride alinsunod narin sa ipinapatupad na heath protocol epekto na coronavirus pandemic.
Sinabi ni Jun Tupag, convenor ng Motorcyle Riders CDO chapter, na magpapadala sila ng petisyon sa IATF upang pakiusapang payagang makasakay sa motor ang miyembro ng pamilya.
Aniya, mas nalalagay lamang umano sa alanganin laban sa virus kung ipapasakay sa pampublikong sasakyan ang kanilang pamilya.