(Update) CAGAYAN DE ORO CITY – Matinding selos ang isa sa mga tinutukan na anggulo ng pulisya kung bakit pinatay ng negosyante ang kanyang ka-live in partner na isang public school teacher sa bayan ng Magsaysay,Misamis Oriental.
Sa ipinaabot na paglilinaw ng Lt Theafratus Pia,tagapagsalita ng Misamis Oriental Provincial Police Office na umano’y nagtatalo ang biktima na si Daryl Joy Legazpi,26 anyos na residente sa lugar at suspek na si Noel Sabalo,59 anyos hanggang sa humantong sa madugo na kremin.
Sinabi ni Pia na matapos umanong nabaril-patay ng suspek ang guro ay tumakas ito papuntang Caraga region kaya ang pulisya ng Tubay,Agusan del Norte ang humahabol sa kanya para huhulihin sana.
Subalit hindi na naaresto na buhay ng PNP sapagkat nagbaril rin ito ng sarili gamit ang 9mm pistol habang nasa loob ng kanyang mina-manehong pribadong sasakyan noong Nobyembre 22,2021.
Bagamat hindi nailahad ng husto ng MisOr PNP kung ano ang pinakasanhi na nagkaroon ng mainitan na pagtatalo subalit una na umanong mayroong record patungkol sa violation against women and children complaint ang biktima laban sa dating live-in partner.
Sa ngayon,hinihintay pa ng pulisya kung paano ang magiging susunod na hakbang ng pamilya ng biktima lalo pa’t nagbaril-patay rin ng sarili ang dating ka-relasyon na napaulat na isasailalim ng cremation kung makarating na ang mga labi sa Cagayan de Oro City.