CAGAYAN DE ORO CITY – Itinakwil ng tuluyan sa 17 na aktibong mga miyemro ng rebeldeng New People’s Army (NPA) ang idolohiya o katuruan ng Communist Party of the Phipppines (CPP) at sabay na nagbalik-gobyerno sa pamamagitan ng 1st Special Forces Batallion sa Barangay Mampayag,Manolo Fortich,Bukidnon.
Inihayag ni 1st Special Forces Batallion commander Lt Col Vercisio San Jose na napasuko nila ang nabanggit na mga rebelde dahil sa matindi na presyur epekto sa walang humpay na operasyon sa mga bayan na kumikilos ang mga ito sa probinsya.
Sinabi ni San Jose na bitbit ng mga rebelde nang sumuko ang 11 sari-saring high at low powered firearms na ipinakita sa publiko sa headquarters ng batallion.
Napadali ang pagsuko ng mga dating rebelde dahil na rin sa ginawa na pagtulong nga mga kaanak nila na mahigpit na sumalungat sa armadong kilusan sa kanilang lugar.
Samantala,tiniyak naman ni 4th ID commander Maj Gen Andres Centino na mapapabilang sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ang mga sumuko na rebelde para makapagsimula ng kanilang panibagong pamumuhay kasama ang kanilang mga pamilya.
Katunayan ay agad inabutan ng ilang sako ng mga bigas at initial cash assistance ng provincial government sa pamamagitan ni Bukidnon Gov. Jose Maria Zubiri ang mga nagsisuko para mayroong magamit ang kani-kanilang pamilya habang maku-kustodiya muna ang mga ito sa army headquarters sa Bukidnon.