Nagresulta sa pagkakabagsak ng halos 200 high-value personalities ang isinagawang mahigit isang daang anti-drug operations ng PDEA Region 10 simula Enero hanggang sa kasalukuyang buwan ng Oktubre.

Ipinahayag ni PDEA Region 10 Regional Director Alex Tablate na nakumpiska rin ang mahigit isang kilo at 400 gramo ng ilegal na droga mula sa 101 PDEA-initiated operations sa buong rehiyon.

Dahil dito, kabilang sa naturang pag-unlad ang mahigit 45 high-impact operations na kinabibilangan ng pagwasak sa mga linya ng target-listed drug personalities.

Samantala, nananatiling alerto ang tanggapan sa paggawa ng karagdagang operasyon upang matiyak ang kaligtasan ng karamihan laban sa ilegal na droga.