CAGAYAN DE ORO CITY – Apektado ang halos 500 pamilya nang magkasunod na tumama ang tatlo umanong buhawi sa bayan ng Villaueva,Misamis Oriental.

Photos from Villanueva MDRRMD

Ito ay matapos nagdulot ng malawakang pagbaha ang sama na lagay ng panahon lalo na sa sentro na bahagi sa nabanggit na bayan.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Villanueva Municipal Public Information Officer Cyril Cambalon Jr na kompirmadong tatlo sa mga residente nila ang sugatan dahil sa nangyari na pagbaha.

Inihayag ni Cambalon na winasak rin ng tuluyan ang siyam na kabahayan na kabilang sa pinasok ng tubig-baha.

Bagamat agad nakapag-responde ang municipal disaster risk reduction management office kasama ang puwersa ng Misamis Oriental PDRRMO kung saan pansamantala naka-house sa gymnasium at inaabutan ng kaukulang mga pangangailan.

Si Villanueva Municipal Public Information Officer Cyril Cambalon Jr na

Magugunitang nakaranas ng sunod-sunod na pag-ulan ang rehiyon ng Northern Mindanao kung saan mayroong mga probinsya at ilang lungsod ang binaha at nagdulot ng malaking perwesyo ng mga naapketuhang mga pamilya.