CAGAYAN DE ORO CITY – Naisubasta ng Bureau of Customs (BoC-Northern Mindanao) ang multi-million worth na assorted confiscated illegal shipments na unang ipinuslit ng mga sindikato sa Mindanao Container Terminal na nakabase sa bayan ng Tagoloan,Misamis Oriental.

Photos from BoC-CdeO

Ito ay matapos ibenenta ng gobyerno ang 13 illegal shipments ng mga kargamento na inilagay sa sobra 70 containers sa 11 bidders na inilunsad sa Security Warehouse ng BoC sa Barangay Tablon,Cagayan de Oro City.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni BoC-Cagayan de Oro spokesperson Angelo Andrade na kabilang sa na-ibenta patungo sa mga negosyante ang closed van truck, Ford Ranger truck,used truck parts,polished furniture maging steel coils at copper ore.

Inihayag ni Andrade na nakalikom ng halos P7 milyon na kita ang ahensiya mula sa public auction na isinagawa nitong syudad.

Sa ilalim kasi ng Customs memorandum order 10-2020 na lahat ng cargoes na mabigong makuha sa loob ng isang buwan matapos na-kuwestiyon ang legalidad ay tinatrato na ina-abandona at isasailalim sa Decree of Abandonement finality habang nasa gobyerno na ang kontrol.

Si BoC-Cagayan de Oro spokesperson Angelo Andrade

Kaugnay nito,inihayag naman ni BoC-CdeO collector John Simon na ang nalikom na koleksyon ng ginawang public auction ay makadagdag koleksyon sa gobyerno habang patuloy na nilalabanan ang pandemya ng COVID-19 sa bansa.