CAGAYAN DE ORO CITY – Naharang ang panibagong pagtatangka na pagpapalusot ng smuggled cigarettes na ipupuslit sana ng mga sindikato mula Cagayan de Oro City papasok sa syudad ng Dasmariñas,Cavite.

Ito ay matapos mismo ang hired truck delivery driver ang nagbuking nito at isinuko sa himpilan ng pulisya nitong syudad.

Kuwento ni Police Regional Office 10 spokesperson Police Maj. Joann Navarro na ipinag-kunwari umanong motor spareparts ang ipinapakarga ng truck na idadaan sa RoRo vessel ng Surigao City subalit hindi kinaya ng konsensiya kaya nag-desisyon ang hindi pinangalanan na driver na isuko ang kargamentong sigarilyo sa Cugman Police Station nitong lungsod.

Sa isinagawa na imbentaryo,natuklasan na nasa mahigit 48,0000 na cigarettes packs na mayroong brand na San Diego Menthol and Lights ang laman ng ilang kahon kaya agad ikinu-kustodiya habang nakikipag-ugnayan sa taga- Bureau of Customs Cagayan de Oro District.

Batay sa isinagawa na appraisal value ng taga- Customs,mayroon itong market value na halos walong milyong piso.

Kaugnay nito,agad nilabasan ni BoC-Cagayan de Oro District Collector Alexandra Lumontad ng warrant of seizure and detention laban sa kargamento dahil sa paglabag ng Customs Modernization and Tariff Act.