Nilinaw ni Special Assistant to the Governor Celso Abucejo na hanggang ngayon ay wala pang nagpapatuloy na proseso upang itama ang mga nakitang pagkakamali sa 2026 budget sa pagitan ng Ehekutibo at Sangguniang Panlalawigan.

Bagama’t nabanggit ang paghaharap ng dalawang panig upang maghain ng corrective measures, ipinahayag ng opisyal na walang pormal na harmonization na nangyayari sa kasalukuyan.

Nilinaw ng opisyal na dahil sa kahikian ng panahon at dahil sa huling bahagi na ng taon, mananatiling gagamitin ang 2025 re-enacted budget na nagkakahalaga ng 5.8 bilyong piso hanggang Disyembre 31

. Dahil dito, tiniyak ng administrasyon na magpapatuloy pa rin ang pagbibigay ng mga batayang serbisyo at suweldo ng mga opisyal at kawani sa buong lalawigan.