CAGAYAN DE ORO CITY – Pinalalim pa ng pulisya ang kanilang imbestigasyon kung bakit pinagbabaril-patay ang dalawang Kristiyanong construction workers sa Brgy Emmie Punud, Marawi City, Lanao del Sur.

Ito ay lumabas ang inisyal na teorya ng pulisya na posibleng pinag-iinitan ng ilang resident ang mga biktima habang mayroong tinatrabaho na residential house sa lugar.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Lanao del Sur Provincial Police Office Director Col Madzghani Mukaraam na hindi nila isinantabi na pinag-interesan ang mga biktima na sina Jorge Butad,Arturo Macasero at Dave Morsua dahil nawalan ng pagkakataon na makapag-trabaho ang mismong taga-Marawi City.

Lumalabas kasi sa imbestigasyon na kalilipat lamang ng mga biktima ng trabaho mula sa dati nila itinayo na bahay na kanilang iniwan dahil sa hindi pagkakaunawaan.

Sinabi ni Mukaraam na ipapatawag rin nila ang may-ari ng bahay na tina-trabahuan ng mga biktima dahil nagsilbi na itong person of interest sa ngayon.

Maliban rito,iimbitahan rin nila ang may-ari ng bahay sa una nilang na-kontrata dahil natuklasan na mayroong ‘demand letter’ na nais sila ipababalik sa trabaho.

Tumanggi muna ang opisyal na banggitin ang pangalan ng malaking angkan ng pamilya na dating pinagtrabahuan ng mga biktima habang hindi pa sila nakakita ng basehan na maidugtong ito sa kremin.

Kung maalala,unang tinanong ang mga biktima kung saan nagta-trabaho at agad sinundan nang pagbaril dahilan na nasawi sina Butad at Macasero habang kritikal si Morsua na lahat taga-Lanao del Norte habang naka-confine sa Amai Pakpak Medical Center.