Ipinagtanggol ng COMELEC Misamis Oriental na naging consistent lamang ang Korte Suprema sa pagbalhin ng Barangay at SK Elections patungong Nobyembre 2028.

Nagpahayag si COMELEC Misamis Oriental Provincial Election Supervisor Atty. Carlito Ravelo na iginalang ng korte ang eksklusibong kapangyarihan ng Kongreso sa pagbabago ng termino ng mga opisyal ng barangay.

Idinagdag pa ng opisyal, na malinaw na iba ang naturang hatol sa unang petisyon na purong pag-antala lamang sa eleksyon na itinurong labag sa Konstitusyon.

Ipinaalala rin ni Ravelo na nakasunod sa probisyon ng Konstitusyon ang naging batayan ng mga mahistrado kaya lehitimo ang isinagawang hakbang ng lehislatura.