Isasailalim sa mas paborableng oras ang sunning at mga gawaing pangkalusugan ng mga persons deprived of liberty sa Cagayan de Oro Female Dormitory upang matiyak na walang heat exhaustion na mangyayari sa loob ng pasilidad.

Nilinaw ni BJMP Warden Mary Rose Paçana na lubos na binawasan ng tanggapan ang direct heat exposure at inrequire ang mandatory hydration protocol sa lahat ng mga bilanggo.

Dagdag pa ng opisyal, inilagay sa mga makakapal na silungan o lobby ang mga vulnerable at senior citizen na PDL sa oras ng kanilang araw-araw na ehersisyo.

Dahil sa naturang peligro, patuloy ang pagmo-monitor sa mga pasilidad upang maprotektahan ang seguridad at kalusugan ng lahat ng yunit.