CAGAYAN DE ORO CITY – Nakubkob ng militar ang mobile hideout ng rebeldeng New People’s Army (NPA) na nakabase sa Barangay Banglay,Lagonglong,Misamis Oriental.

Ito ay matapos hindi nilubayan ng 58th Infantry Batallion,Philippine Army ang nagkawatak-watak na miyembro ng Guerilla Front Committee 4-B ng NPA na ilang araw nang nakasalubong nila sa nabanggit na bayan.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni 58th IB commander Lt Col Roy Anthony Derilo na ang nakubkob na hideout ay mayroong kaugnayan sa unang grupo na nahabol nila kung saan isang rebelde ang kumpirmadong nasawi sa nakaraang araw.

Inihayag ni Derilo akto na naabutan ng kanilang tropa na nagsasagawa pa ng mga duyan ang mga rebelde para matutulugan kaya nagresulta ng ilang minuto na palitan ng mga putok.

Kinilala ng militar ang napatay na rebelde na si Benjie Sandayo,30 anyos na residente sa dating pinamumugaran ng NPA rebels na sa Sitio Lantad,Barangay Kibanban,Balingasag ng lalawigan.

Si 58th IB commander Lt Col Roy Anthony Derilo

Narekober sa encounter site ang mismong baril ng nasawi na rebelde na carbine rifle at maging ang ibang sandata ng mga nakatakas na kabilangan ng M16 rifle,AK-47 assault rifle, garand rifle at caliber .22 rifle.

Kinompirma rin ng militar na isa sa kanilang kasamahan ay nasugatan subalit daplis lamang umano sa kamay kaya sumama pa para ituloy ang pagtugis sa mga tumakas na mga rebelde.