(Update) CAGAYAN DE ORO CITY – Balik-normal na ang mga pamilya na okupante ng higit 200 kabahayan na unang pinasok ng tubig-baha sa magkalapit na Barangay Tablon at Cugman ng pangalawang distrito ng Cagayan de Oro City kagabi.
Ito ay matapos bumuhos ang malakas na ulan na nagresulta nang pag-apaw ng tubig-baha sa Cugman river na nag-apekto naman sa maraming pamilya na naninarahan sa Purok 11,Sition Baloy,Brgy Tablon ng lungsod.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Tablon Punong Brgy Billy Kid Auza na agad naglunsad ng rescue operations ang kanilang puwersa kasama ang mga personahe ng city government at Philippine Coast Guard sa mga residente na stranded sa loob ng kanilang mga bahay epekto sa sobrang lalim ng tubig-baha.
Inihayag ni Auza na bagamat napasok ng baha ang kanyang mga residente subalit kahit isa ay walang naiulat na missing o kaya’y nasaktan kaugnay sa pangyayari.
Pansamantala,naka-house ang mga biktimang pamilya sa brgy covered court nang ma-accounted lahat kagabi at kinaumagahan ay pinahintulutang makabalik sa kani-kanilang mga tahanan.
Sa kasalukuyan ay nasa hanggang tuhod pa ang lalim ng tubig na hindi pa humupa sa mga kabahayan na napasok ng baha kagabi.