(Update) CAGAYAN DE ORO CITY – Tinatayang nasa higit 200 na pamilya ang apektdado sa pagtama ng ‘urban flooding’ sa ilang barangay sa Cagayan de Oro City.

Photos from CdeO’s CDRRMD-ORO RESCUE

Ito ay batay sa assessment na naisagawa ng CdeO’s City Disaster Risk Reduction and Management Department sa mga barangay na napasok ng tubig-baha partikular sa Tablon,Cugman at Iponan ng lungsod.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni CDRRMD head Nick Jabagat na nasa higit 60 na kabahayan rin ang nagkaroon ng danyos nang mapasok ng baha kagabi.

Sinabi ni Jabagat na bagamat wala namang naiulat na mayroong residente ang nasugatan subalit isang driver ng backhoe na mula sa Barangay Cugman ang tinangay baha.

Bagamat nailigtas dahil maaga na nakapag-responde ang rescue teams na kinabilangan ng barangay at CDRRMD personnel maging ang puwersa ng Philippine Coast Guard.

Si CDRRMD head Nick Jabagat

Ina-assess pa ng kanya-kanyang barangay kung magkano ang posibleng danyos perwesyo na iniwan ng baha kahit hindi naman gaanong kalakasan ang pag-ulan kagabi.