CAGAYAN DE ORO CITY – Pansamantalang inilikas ang mahigit 300 pamilya mula sa limang barangay na inisyal na napasok ng baha sa Gingoog City,Misamis Oriental.

Photos from Gingoog City LGU

Ito’y matapos sa mga pagbuhos ng ulan kahit hindi pa man nag-landfall ang mata ng bagyong Odette na namataan sa karagatang sakop ng Mindanao.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Fernando Dy Jr,hepe ng MisOr PDRRMO na partikular na mayroong naitala na inisyal na pagsilikas ay nagmula sa barangays 1,9,24 at 25 sa nabanggit na bahagi ng lalawigan.

Sinabi ni Dy na bagamat hindi naman nagdulot ng anumang pinsala ang naitala na mga pagbaha at unti-unti na rin na pinabalik ang nabanggit na mga pamilya.

Subalit tagubilin naman ni Gov Bambi Emano sa lahat ng rescue at responding teams na huwag luwagan ang pagiging alerto dahil sa dala na panganib ng bagyo.

Magugunitang maging sa Cagayan de Oro City ay pina-aktibo na rin ni Mayor Oscar Moreno ang binuo nito na incident management team upang mangunguna sa mga mangyaring pag-responde kung mayroong epekto ang bagyo sa Northern Mindanao.