“Welcome Development!”—ito ang paglalarawan ni Ateneo de Davao University Professor Christopher Ryan Maboloc sa desisyon ng Korte Suprema na nagdeklara na unconstitutional ang ilang porsyon ng 2024 hanggang 2026 national budget.
Ito ay nagsisilbi umanong malaking gabay at babala laban sa isinagawang hindi makatarungang pagbabago at pagdaragdag ng pondo ng Kongreso nang walang sapat na batayan.
Sinabi ni Maboloc na ang bawat pisong napupunta sa interes ng ilang politiko ang pangunahing dahilan ng kakulangan sa mga silid-aralan, hospital beds, at iba pang batayang serbisyo para sa mamamayan.
Dahil dito, umaasa ang akademiko na ang naturang ruling ng Korte Suprema ay magbibigay na ng maayos na direksyon upang maprotektahan ang kaban ng bansa sa mga susunod na taon.











