Kinondena ng Kabataan Partylist ang hindi pagdedeklara ni Bise Presidente Sara Duterte sa kanyang mga negosyo at ari-arian na itinuturing na isang malaking paglabag sa Saligang Batas ng bansa.

Ayon kay Cobbie Jan Canda mula sa naturang grupo, isang malinaw na pag-abuso sa kapangyarihan ang pagmamay-ari ng bahagi sa mga negosyong may kontrata sa gobyerno dahil ipinagbabawal ito sa ilalim ng probisyon ng konstitusyon.

Ibinunyag ni Canda na milyon-milyong piso ang sangkot sa mga kompanya at kainan, kung saan ang pagtatago nito sa Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) ay itinuturing na isang mabigat na impeachable offense.

Ipinaalala rin ng grupo sa publiko na ang kaparehong pagtatago ng ari-arian ang naging pangunahing dahilan sa pagtatanggal noon sa pwesto ng dating Chief Justice na si Renato Corona.