CAGAYAN DE ORO CITY – Hindi na naisalba ng mga doktor ang buhay ng dating tauhan ng mga Parojinog at nasa likod ng ilang krimen nang isugod sa ospital ng Ozamiz City, Misamis Occidental.

Ito ay matapos inatake umano ng sakit sa puso si Jimmy Chan Jr, 48 anyos na taga Barangay Carmen ng lungsod habang dinala sa Mayor Hilarion A. Ramiro Sr. Medical Center kahapon ng madaling araw.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni BJMP Ozamiz City Jail Nurse 1 Ariel Magdula na nagising na lamang ang mga priso sa selda dahil sa biglang pag-iingay ni Chan kaya inilabas at ipinagamot.

Subalit dead on arrival na ito dahil sa naranasang atake sa kanyang puso.

Si Chan ang notoryus umano na ‘tirador’ sa mga kalaban ng mga Parojinog kung saan ang iniugnay na itinumba nito ay si late Ozamiz City Vice Mayor Roland Romero noong taong 2016.

Nagsilbing personal bodyguard si Chan ni dating City Councilor Ricardo’ Ardot’ Parojinog na namatay rin dahil inatake sa sakit ng puso nang babasahan na sana ng mga kaso sa korte noong Setyembre 2020 sa Ozamiz City.

Si BJMP Ozamiz City Jail Nurse 1 Ariel Magdula na

Si Chan ay unang naaresto ng PNP at PDEA dahil sa murder case habang nagtatago sa Barangay Malinao, Mabuhay,Zamboanga del Sur
noong Marso 2020.