CAGAYAN DE ORO CITY- Nagpakamatay ang isang hospital director na nagsilbi na sanang survivor ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa New York City,Estados Unidos.
Iniulat ni Bombo Radyo news international correspondent Dolly Ilogon na nalungkot umano masyado ang biktima na si Dr Lorna Breen ng NewYork-Presbyterian Allen Hospital dahil sa epekto ng bayrus na tumama ng husto sa kanilang bansa.
Inihayag ni Ilogon na nais nasa ni Breen na babalik ng trabaho matapos maka-rekober dahil gusto niya makatulong pa sa mga tinamaan ng COVID-19 subalit hindi muna ito pinahintulutan ng ospital.
Ito umano ang dahilan na nalungkot ang biktima dahil sa epekto ng mental health condition nito resulta na nagpakamatay sa kanilang bahay.
Bagamat nalungkot umano ang pamilya subalit itinuring naman ang biktima na bayani dahil sa dami ng kanyang natulungan na mga pasyente na nahawaan ng bayrus.
Magugunitang ang Amerika ang nangunguna na mayroong pinakataas na kaso ng infected victims ng bayrus na nagtala na ng higit isang milyon na at nagtala ng 56,803 ang nasawi kung saan epecinter ang New York City.