CAGAYAN DE ORO CITY – Humihingi ngayon ng agarang hustisya ang pamilya ni Philippine Military Academy (PMA) Cadet 4th Class Darwin Dormitorio.
Ito’y matapos lumabas sa medico-legal result na namatay sa hazing at hindi sa cardiac arrest si Dormitorio.
Ayon sa pamilyang Dormitorio, na kanilang kinondena ang nangyari na umanoy isang karumal-dumal matapos lumabas sa otopsiya sa bangkay ng biktima na pumutok ang kidney nito dahil sa matinding torture.
Inilabas rin ng pamilyang Dormitorio ang matinding galit laban sa pamunuan ng PMA sa pamamagitan ng social media.
Samantala, kinondena rin ng Xavier University-Ateneo de Cagayan ang sinapit ng kanilang mag-aaral at idinemanda ang hustisya.
Hinihingi naman ni Cagayan de Oro City Mayor Oscar Moreno ang malalimang imbestigasyon sa pangyayari upang maparusahan ang mga taong may kagagawan nito.
Habang plano naman ng pamilyang Dormitorio na e-cremate ang bangkay nito bago dalhin pabalik sa Cagayan de Oro.