CAGAYAN DE ORO CITY – Agarang hustisya ang sigaw ng pamilya ng isang sacristan na kolehiyala na walang awa na pinagsasak-patay ng hindi kilalang mga salarin sa mismong sariling kuwarto nito sa Zone 4,Sitio Dinogon,Barangay Sta Ana,Tagoloan,Misamis Oriental.

Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ng ama na si Rodrigo Galo Jr na hindi nila tanggap na mananatiling Malaya ang mga pumatay sa kanilang anak na si Lady Grace Galo kaya kinalampag nito ang pulisya madaliin ang pag-resolba ng kaso.

Sinabi ni Ginoong Rodrigo na nabigla at nagulantang sila mag-pamilya dahil sa dami pa ng tao sa kanilang lugar ay anak pa nito na sobrang simple at nagnanais lang makatapos pag-aaral ang nahulog sa mga kamay ng mga criminal.

Inihayag nito na bago sila luluwas papunta sa ibang lugar ay sana mahuli at makasuhan na ang mga totooong nasa likod ng kremin.

Si Lady Grace na nasa pangalawang taon ng kursong Bachelor of Science and Business Administration ang ay nagsilbing sacristan ng Sta.Ana Parish ng lugar bago ito inatake ng mga criminal.

Maggunitang nagtamo ng mga saksak sa katawhan ang biktima dahilan na patay na itong nadatnan ng kanyang 9 anyos na pamangkin sa bahay nila noong nakaraang linggo.

Sa pinakahuling imbestigasyon ng pulisya, tatlong persons of interest na ang kanilang tinatrabaho upang makakuha ng dagdag na impormasyon para mahuli na ang mga totoong nasa likod ng kremin.