CAGAYAN DE ORO CITY-Muling pupuntahan ni IATF national implementor Sec Carlito Galvez Jr ang Iligan City dahil sa patuloy na paglobo ng COVID-19 local transmission.

Sinabi ni Iligan City information officer Joe Pantoja, nakipag-unayan na si Sec Galvez sa kanila at posibleng bukas ang lipad nito patungo sa kanilang Siyudad.

Ayon kay Pantoja, gustong malaman ng naturang IATF national implementor ang kanilang karagdangang pangangailangan upang mapigilan na ang pag akyat ng bilang nang matamaan ng coronavirus.

Dagdag ng naturang opisyal na umabot na sa 337 ang nagpositibo sa Iligan at sa kanilang 44 na Barangays, 33 na ang apektado sa virus.